Mas Nanaisin

 

woman-walking-away-from-man(A poem inspired by Vandross’ “I’d Rather”)

Tila naubos ang pulot sa sisidlan
Ngiting matamis biglang naging matabang
Tala man sa mata’y nawala ang kinang
Nanlamig mong kamay ayaw nang hawakan

Lito ako’t nagpasyang ika’y lisanin
Pilit na tinuldukan ang kwento natin
Ngunit nang ikaw ay malayo sa akin
Naging marubdob sa puso ang panindim

Pumasok ako sa pintuang bumukas
May ngumiti at sa akin ay yumakap
Siya’y ‘di ikaw kaya’t dagling lumabas
Aamining ikaw ang aking hinahanap

Mas nanaisin pala na kamay mo’y hawak
Kasinglamig man ng nyebe ang iyong palad
Hindi baleng ngiti mo sa tamis ay salat
Dulot nito sa puso’y walang hanggang galak

Mas nanaising nasa gitna ng dagat
Hampas-hampasin man ng along mataas
Handang magpaduyan sa hanging malakas
Basta’t kasama kitang hawak ang layag

Heto’t naninikluhod sa ‘yong harapan
Nakapinid na puso’y muli mong buksan
Kapag nang patawad ‘di mo gagawaran
Mas nanaising mapag-isa na lamang

Advertisements

About Hardpen

Teacher-Writer Hardpen is my nom de plume. My real name is Massuline Antonio Dupaya Ligaya. Many times I was asked the question, "Why do you write?" I don't write for rewards nor adulation. When I write poems, stories or essays, seeing them completed gives me immense joy and satisfaction. The happiness and sense of fulfillment I feel when completing my works are my rewards. When I teach, I don't work but I play. The classroom is my playground, the students are my playmates, and the subject is our toy. Proud to be me! Proud to be a FILIPINO! TO GOD BE THE GLORY!

Posted on November 5, 2016, in Poetry, Tula and tagged , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: