SA PILING NG MGA HAYOP

cat

Iba’t-ibang tao, iba’t-iba ang ugali. May ugaling maganda, at syempre may pangit din. Sa madaling salita, may mga taong asal HAYOP at sila’y nakaksalamuha natin araw-araw.

Kung may mapagbigay ay meron ding madamot. May masipag at meron din naman nuknukan ng tamad. May mga taong mabuti na ayaw gumawa ng ano mang bagay na nakakasakit sa kapwa-tao at meron namang ang makapanakit ang hanap. May mga taong ang nais ay tumulong,  ang mai-angat ang moral at dignidad ng kapwa nila. Sa kabilang banda, may mga taong mapanira at mapanakit na ang nais ay masira ang buhay ng mga taong kinaiinisan o dili kaya’y kina-iinggitan nila. May mga taong ang bisyo ay hanapin ang kapintasan ng iba upang ito’y pag-usapan at pagtawanan. May mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng iba.

Saan ka… saan ako… saan tayo nabibilang na uri ng tao? Mabuti o masama? Totoo o mapagkunwari? Anong ugali tayo meron? Tao ba tayong asal-hayop? Tayo  ba’y banal o nagbabanalbanalan?  Bulayi’t pag-isipan natin.

Ganyan ang mga kaybigan natin at mga mahal sa buhay…hindi perpekto. Maging ang mga kapit-bahay natin, ang mga kasamahan sa trabaho at mga taong nasasalubong natin sa daan. Hindi rin sila perpekto.

Minsan tumatahimik na lamang tayo kung may mga hindi magandang ugali tayong nakikita. Meron naman lumalayo na lamang upang walang maging problema.

 Kapag nagpakita ang isa tao ng kagaspangan ng ugali wala rin akong sinasabi, pero may sinusulat ako…mga satirikong tula.

Ang mga satirikong tula kong nandito ay ang pagpuna ko sa ibang-ibang ugali na nakikita ko sa mga tao na nakakasalamuha ko sa paligid, sa pamayanan na kinabibiliangan ko at sa trabaho.

Ang Buwitre sa Kumbento
Ang Huklubang Ipis
Ang Loro
Ang Mga Buwaya
Ang Mga Hayop sa Manggahan
Ang Mga Hungyano
Ang Mga Unggoy, Ahas at Talangka
Ang Palatawang Tarantula
Ang Banal Na Tupa
Kakaibang Mga Hayop
Mga Talangka sa Banga ng Kimchi
Pintaserong Butanding

Source: SA PILING NG MGA HAYOP

Advertisements

About Hardpen

Teacher-Writer Hardpen is my nom de plume. My real name is Massuline Antonio Dupaya Ligaya. Many times I was asked the question, "Why do you write?" I don't write for rewards nor adulation. When I write poems, stories or essays, seeing them completed gives me immense joy and satisfaction. The happiness and sense of fulfillment I feel when completing my works are my rewards. When I teach, I don't work but I play. The classroom is my playground, the students are my playmates, and the subject is our toy. Proud to be me! Proud to be a FILIPINO! TO GOD BE THE GLORY!

Posted on January 7, 2017, in Essays, Fable, Pabula, Poetry, Tula and tagged , , , . Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. Ang galing naman Sir 🙂 , basahin ko po…

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: