Category Archives: Tula

Maging Akin Ka Sana

man-woman

Lumapit ka sana’t kamay ko’y abutin
Ibubulong kong tanong iyong sagutin
Maaari bang ikaw ay maging akin?
Maari bang ako’y iyong ibigin?

Tanging sa ‘yo nakatuon ang paningin
Sa isip hindi kita kayang burahin
Pumayag ka sanang ika’y maging akin
Habang nabubuhay kita’y sasambahin

Lumapit ka na at ibulong sa akin
Batid ko na meron kang nais sabihin
Mga ngiti mo’y huwag gamiting tabing
Upang itago ang sinaktang damdamin

Pahintulutan sana na kita’y mahalin
Tulungang nakaraa’y iyong limutin
Bumaong tinik sa puso’y bubunutin
Ulap sa langit mo’y aking hahawiin

Mapait na kahapon huwag nang balikan
Heto ang palad ko mahigpit mong hawakan
Masuyong luha mo’y aking pupunasan
Mithing ligaya kita’y hahandugan

Maging akin ka ang tanging panalangin
Pag-ibig sa puso muling pasikatin
Pahintulutan sanang kita’y makapiling
Payagan akong ika’y paligayahin

(Mula sa kantang “Be My Lady” ni Martin Nievera)

TINULANG KANTA

TAG-ULAN

ulanUmuulan
Walang puknat
Bubong na’y halos mabutas

Umuulan
Maghapon…magdamag

Kalsada’y naging dagat
Sila’y namamangka…hindi naglalakad

Ula’y walang patid
Hangi’y kay lamig
Ngunit sa bubong nagsumiksik
Bahay kasi’y nilamon ng tubig
Tubig-bahang galing sa langit
Sa kalangitang ating ginalit

PAGHILUMIN

depressed-man-at-the-lake

Heto ako’t sa pighati’y nalulunod
Sa bigat ng lumbay puso ko’y nadurog
Ngayo’y nagsusumamo’t naninikluhod
Bumalik ka sana’t pawiin ang lungkot

Pagbalong ng luha ko’y iyong pigilin
Bisig mo’y ibuka at ako’y yakapin
Andap sa puso mo’y hipa’t pag-alabin
Damdaming kong sinugata’y paghilumin

Sakit mong idinulot iyong pawiin
Bumalik ka na’t muli akong mahalin
Ikaw ang tanglaw ko sa mundong madilim
Kay hirap mabuhay nang ‘di ka kapiling

Nasaktan akong labis nang iyong iwanan
Paggulong ng luha’y ‘di ko mapigilan
Bumalik ka’t halik labi ko’y dampian
Pighati sa puso ko’y iyong tuldukan

(Mula sa awiting “Unbreak My Heart” ni Toni Braxton)

%d bloggers like this: