◊ MY WORKS IN FILIPINO

balagtasan

          Madalas akong tinatanong kung bakit ako nagsusulat. Bakit nga ba?  Libangan ko lang talaga ito. Hindi po ako mahusay na manunulat. Aaminin kong marami pa akong bigas na kakainin. Hindi ko po pinapangarap na maging  tanyag sa larangang ito. Kahit na nga ba madalas kong sabihin sa mga estudyante ko sa “literature” na pangarap kong mapagwagian ang “Nobel prize in Literature.” Biro ko lamang iyon. Sa “Palanca” nga hindi ako manalo-nalo eh “Nobel” pa kaya. Gusto ko lang talagang magsulat at masaya ako kapag ginagawa ko ito. PEro kung kaloobin ng Panginoon na makilala ako sa larangan ng pagsusulat eh bakit hindi.

          May mga TULA, MAIKLING KWENTO at SANAYSAY akong sinulat. May mga nasulat na rin akong akong mga DULA

          Dula ang entry ko nang sa unang pagkakataon ay sumali ako sa patimpalak na tinatawag na Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Ang pamagat ng naturang dula ay “Koreanobela.”  Hindi ako pinalad na manalo. Susubukan kong muling sumali sa susunod na taon, at sa susunod pang mga taon, hanggang ito ay mapagwagian ko.

         Ang mga akda ko ay simple lang. Patuloy akong nagsisikap upang mapagbuti ko ang pagsusulat. At ang paglikha ko ng website/blogsite na ito ay isang simpleng paglilibang lang. Nais ko lamang na maging productive. Napakadami ko kasing libreng oras dito sa South Korea at bukod sa pagsusulat ay naghanap ako ng iba pang mapaglilibangan. At heto nga, ang paglikha ng sarili kong website/blogsite na siyang paglalagakan ko na aking mga sinulat at mga susulatin pa. Sayang at napakadaming mga sinulat ko noon na nangawala na kaya’t dito sa site na ito ay titiyakin ko na lahat ng aking mga likha ay mapi-preserve ko na.

          Napakalaking challenge sa akin ang bumuo ng ganitong website/blogsite dahil hindi naman ako magaling sa computer. Pero pilit kong iginapang at heto nga paunti-unti ay natututo.

        Maraming salamat po at sana’y may makita kayo dito na magugustuhan ninyong basahin. Nais ko rin pong mabasa ang inyong mga komento upang malaman ko kung paano ko mas mapagbubuti ang pagsusulat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: