Malaya Ka Ba Juan?

thepinoywarrior juan tamad

Kumusta Juan? Usap nga tayo sandali. May itatanong lang ako. Nakita mo naman siguro ang pamagat ng akda kong ito na nakasulat sa itaas. Iyan ang gusto kong itanong sa iyo. Totoo bang malaya ka na? Wala na nga bang sa iyo’y umaalipin? Wala na nga bang sa iyo’y pumipigil upang makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay? Wala na nga bang sagabal upang marating ng bansa mo ang kaunlaran.

Syempre ang una mong reaksyon eh, “Ano bang tanong ‘yan?” Napaka-absurd! Paano ka hindi magiging malaya na eh wala na ang mga Kastilang umalisputa at sa iyo’y umalipin. Maging ang mga Amerikanong pumalit sa kanila ay matagal nang wala, pati nga base-militar nila’y pinalayas na natin. Matagal na rin namang tapos ang World War II at ang mga Hapon na nandito’y hindi mga sundalo kundi mga turista at mga asawa ng mga dating OFW sa Japan.

So, wala nang sagabal sa pag-unlad mo dapat ‘di ba? Kaya sasabihin mo bang malaya ka na? Wala na rin naman sa Malacanang ang mapaniil n diktaduryang Marcos. Kahit na nga ba alive and kicking pa ang aleng Imeldific pero harmless na s’ya. Pero hala ka, merong Ferdinand Marcos na tatakbong Vice-President! Multo!!! Hindi, Jr. n’ya lang iyon. Ang sabi n’ya, “Ang mga kasalanan ng ama eh hindi kasalanan ng anak.” May tama s’ya, I mean… tama s’ya. Paano kung Manalo? Paano ng aba? Ano kamo? Bahala na si Lord?

Kung inaakala mo Juan na malaya ka eh akala mo lang iyon, pero hindi. Hinnddii! Nandyan pa ang kaaway. Kaaway na hanggang ngayon ay umalipin pa rin sa iyo. Kaaway na hindi ka papayagang magtagumpay.

Ano kamo? Sino? Nasaan?

Nakatira s’ya sa bahay n’yo. Isinusuot nga n’ya ang mga iyong mga damit, medyas , at sapatos. Pati brief! EWWW! Pati pala toothbrush mo. Kumakain nga s’ya sa pinggang kinakainan mo. At heto pa… hinahalikan n’ya ang GF mo!

Ano ulit kamo? Sino? Tatay mo? Kuya mo? Engot! Ikaw iyon. Ang matinding kaaway mo ay ang sarili mo.  Manalamin ka nang makita mo ang itsura ng totoo mong kaaway. Sige na humarap ka sa salamin.

Ayaw mo? Nahihiya ka! Ayaw mong aminin na ikaw mismo ang dahilan kung bakit hanggang d’yan lang ang narating mo. Ayaw mong aminin na ikaw ang pinakamatinding sagabal sa ‘di pagunlad ng bansa mo?

O h’wag kang magalit sa akin. Totoo naman ah. Ano iyon? Hindi ka nagsisikap dahil kahit anong gawin mo ay hanggang d’yan ka na lang kasi hindi ka ipinanganak na mayaman? Na ang mga magulang mo kasi ay isang kahig isang tuka lamang. Tapos ano pa idudugtong mo? Na nasa guhit ng palad mo na maging mahirap. Na baka sirain lang ng bagyo o lindol ang ano mang bagay na ipupundar mo. Don’t give me that crap Juan! Ang sabihin mo hindi ka nagsisikap dahil tamad ka. JUAN TAMAD!

Tamad ka! Batugan! Iniaasa mo ang lahat sa iba. Aba’y hanggang ngayon eh nasa poder ka pa ng mga magulang mo. Ultimo pambili mo ng sigarilyo eh hinihingi mo pa sa nanay mo. Tapos ka naman ng kolehiyo eh bakit ayaw mong maghanap ng trabaho.

Alipin ka ng katamaran mo Juan. Kaya h’wag mong sabihing malaya ka. At ‘di bale nga sana kung sarili mo lang pinuperwisyo mo. Kaso mo hindi eh. Pati ang bayan eh apektado. Ikaw ang sagabal kung bakit ang bansa mo’y gumagapang pa rin hanggang ngayon sa balag ng alanganin. Bakit? Oh come on Juan. Alam mo ang dahilan, h’wag ka nang magmaang-maangan pa. Batid mong isa kang modernong Hudas na nagkakanulo sa  sarili mong bayan para sa halagang P500. Kaya hayun, maraming mga buwaya at linta ang nakaupo sa pamahalaan. Resulta? Hindi pa rin tayo umaasenso bilang bansa.

Tuwang-tuwa ka sa P500, pambili ng yosi at pangtoma. Pero ano ang kapalit?

Pansinin mo Juan, kunwari lamang na umalis ang mga Kastila noon. Nandito pa rin sila’t alipin pa rin ang tingin sa iyo. Sila ang mga nanunuhol sa iyo ng Ninoy upang paulit-ulit silang maupo sa pwesto at patuloy na salantain ang bayan mo.

Juan! Brad! H’wag kang magalit sa akin. Sinasabi ko ito dahil gusto kong magkasama tayong tahakin ang landas ng pagbabago. Ako man kasi’y kaylangan ding lumaya. Ikaw, ako…TAYO, ang pag-asa ng bayan natin.

H’wag mong sayangin ang sakripisyong ginawa nina  kuya Jose, Andres, Emilio, Marcelo, Gregorio at iba pang mga kuya natin. Hindi ko naman sinasabi na magpunta ka sa Monumento at hiramin mo ang itak ni kuya Andres at pagtatagain ang mga natitirang Kastila na nagkukuwaring mga Pilipino. Ayaw ni kuya Hesus ng ganyan. Bad ‘yan.

 

%d bloggers like this: