Sa Likod Ng Pader

13499569_1726799154263779_1802411006_o

Tagaktak ang pawis ni Marco, mahapdi na ang kanyang mga kamay ngunit kaylangan niyang tiisin. Tatlong minuto pa lamang halos s’yang nagpapadausdos pababa sa pader na iyon gamit ang isang lubid ngunit parang napakatagal na niya doon. Ayaw kasi niyang bilisan at baka mahulog siya. Tumingin siya sa baba. Gabi noon pero maliwanag dahil sa buwan. Kaunting-kaunti na lang at makakatungtong na siya sa lupa. Pwede na siyang bumitaw mula sa pagkakahawak sa lubid. Dalawang dipa na lamang halos ang layo n’ya sa pinakakaasam na kalayaan.

 

Bumitaw si Marco sa lubid. Tapos na ang kanyang kalbaryo. Sumalampak siya sa damuhan pagkatapos ay nahiga. Pagod, hinahabol ang kanyang hininga. Pero masaya siya. Walang kasing saya. Gusto niyang sumigaw pero hindi pwede.  Magigising ang mga madre at guwardya. Baka hindi matuloy ang kanyang binabalak. Pero magising man siguro ang mga ito’y hindi na siya papayag na bumalik sa loob. Hindi na siya magpapapigil, harangan man siya ng sibat.

 

Tumayo si Marco. Habang nakapamaywang ay hinagod niya ng tingin ang mataas na pader na may halong pagmamalaki. Gusto niyang kutyain ang pader. Gusto niyang sabihing sa wakas ay nagapi din niya ito. Lumapit siya dito’t sinubukang hilahin pababa ang ginamit niyang lubid. Gaano mang kalakas ang ginagawa nitong paghila ay hindi matanggal ang lubid sa nakausling bakal na pinagtalian niya sa ibabaw ng  pader. Hinayaan na lang niya itong manatili doon. 

 

Nagpasya si Marco na humakbang papalayo. Kaylangang bilisan niya ang lakad,kung maari nga’y tumakbo siya. Hindi niya alam ang daan, basta’t kaylangang makarating siya ng hi-way at mula doon pupunta siya ng bayan.. Mula doo’y hahanap siya ng masasakyan palayo, papunta sa isang lugar kung saan hindi na siya mahahanap ng mga madre.


 (Click link below to continue reading…)

Sa Likod ng Pader

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: