Markang Pinoy

 

bayanfnl

Sa Perlas ng Silangan ako nagbuhat
Pilipino ako kayumanggi ang balat
Sa ibayong dagat nagpasyang maglayag
Dito sa South Korea ako napadpad

Paglabas ng airport tuhod ko’y nanginig
Kulay kapeng kutis di sanay sa lamig
Kwartong  tinuluyan ubod ng tahimik
Sa sobrang kalungkutan luha’y nangilid

Panaghoy ko yata sa  langit narinig
Mga kababayan sa aki’y nagsilapit
Parang mga anghel nanggaling sa langit
Mga Pilipinong sa kabutiha’y hitik

Lamig ay tunaw sa mainit na pagdamay
Lungkot ay naglaho nang sila’y umalalay
Pinanghinaan kong loob binigyang buhay
Kapwa ko Pilipino matulunging tunay

Sa bansang ito ay napatunayan ko
Likas na mabuti ang mga Pilipino
Sa kababayan o sino mang kapwa-tao
Dumadamay at nakikisama tayo

At kung ibang tao ating natutulungan
Lalong kapwa Pilipino dapat damayan
Di ba’t marka ng Pinoy ang bayanihan
Sa lahat ng panahon dapat magtulungan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: