Mga Tanong

Ilang “Napoles” nga kaya ang umikot
Umaligid sa katakam-takam na “pork”
Ilang “Napoles” kaya ang nakidukot
Tumulong kay “YOUR HONOR” sa pangungurakot

Kung may ibang “Napoles” ang ibig sabihin
May iba pang mandarambong dapat hulihin
“Honorable” na magnanakaw ay hanapin
Sa ginawang krimen dapat panagutin

May mga punong bayan bang di naulingan
Nang kaldero ng “pork” kanilang hinawakan
Sino sa kanila baya’y di ninakawan
Sino sa kanila ang pwedeng sandigan

Marami ang katumbas na silid-paaralan
Ang perang ninakaw nila sa ating kaban
Kalsada at tulay sana’y nadagdagan
Kung ‘di talamak sa gobyerno ang nakawan

Taon-taon “pork” sa kanila’y inihahain
Kanya-kanya ng gayat mga pinuno natin
Taba at laman paghahati-hatiin
Buto’t balat ang ititira sa atin

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: