Holdapan Sa Jeep – 2

(HETO NA ANG JEEP – 5.2)

Kayo po muli ay aking kukwentuhan
Paksa nati’y tungkol pa rin sa holdapan
Kwento na nasagap sa isang huntahan
Nang mga kapwa ko guro’y naka-umpukan

Nang kwentong holdap ko’y kanilang nadinig
Aba’y isa sa kanila ng tawa’y bumunghalit
Isang kwento sumagi daw sa kanyang isip
Nang sinimulan niya’y kami’y tumahimik

Isang gabi daw guro niya sa kolehiyo
Sumakay sa bandang Taft papuntang Recto
Maya-maya’y kawatan bilang ay tatlo
Sumigaw ng, “Walang kikilos holdap ito!”

Ibang pasahero syempre’y  nataranta
Ngunit ang guro mukhang naka-relax pa
Holdapan yata ay nakasanayan na
Inihanda na lang relo niya’t pitaka

Madaling-madali ang mga kawatan
Mabilis na mga gamit ay sinamsam
At nang ang guro na ang nilalapitan
Isang holdaper kasama’y pinigilan

Ang wika niya, “Brod balato ko na si mam!”
“Magaling kong guro noon sa school ‘yan,”
Dugtong pa ay, “Hi! Good evening po madame.”
“Hindi ninyo po ba ako natatandaan?”

Natamemeng guro ay umiling na lamang
Ang ibang pasahero’y nagulumihanan
At bago bumaba ang mga kawatan
Wika ng isa, “Goodbye na po, ingat mam!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: