Holdapan Blues 3

tumblr_lhgy38Bh4I1qafbauo1_400

(Heto Na Ang Jeep 5.3)

Sa isang umpukan ay aking narinig
Holdapan blues na naganap sa isang jeep
Kaybigang nagkwento medyo nanginginig
Habang nagsi-share ang luha’y nangingilid

13th mongth pay noo’y kanya nang natanggap
Sweldo’t Christmas bonus ay kanya ring hawak
Ear-to-ear ang ngiti at galak na galak
Christmas shopping ay kanya nang binabalak

Feeling kay gaan morale niya’y very high
Doon sa Baste sa jeep siya’y sumakay
Nang siya’y mapaupo mata’y namungay
Dalawang machong papa kanyang kasabay

Tatlo lamang sila sa jeep na nasakyan
Para daw s’yang kinilig nang siya’y pagmasdan
Ngunit nang  machong papa siya na’y tabihan
Tuhod nanginig, biglang s’yang kinabahan

Ang machong papa 1 siya’y inakabayan
Then machong papa 2 siya’y tinutukan
Sabi ng isa’y, “Sumigaw iyong subukan,
nang ito’y tumarak  sa ‘yong lalamunan!”

Aniya’y, “Sa takot nangilid ang luha ko!”
“Tumigil ka!” Wika ng isang papang macho
“H’wag kang umiyak ha, ang taba-taba mo!”
Nang-holdap na’y nang-okray pa mga  loko

Himpilan ng pulis kanya raw pinuntahan
Upang i-report ang nangyaring holdapan
Matapos iyon ay kanyang tinawagan
Ka-close na kuya  upang  siya’y alalayan

Nang dumating ang kuya’y kanyang niyakap
Hindi napigilang umiyak nang umiyak
Wika daw ng kuya’y, “Tumahan ka’t magalak,
mahalaga’y buhay ka’t pera’y nahahanap!”

Tumahan s’ya sandali’t sa kuya’y tumitig
Aniya’y, “Money’s not the reason that I grieve!
Kundi sa sinabi  na paulit-ulit
Ang taba ko daw, but brother…I’m not a pig!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: