King of the Road

(Heto Na Ang Jeep 1)

tumblr_lhgy38Bh4I1qafbauo1_400

Bago sa trabaho ako ay makarating
Anim na bayan ang dapat kong tawirin
Kung sa relo naman natin susukatin
Mahigit isang oras ang uubusin

Sa haba ng biyahe ako daw ay talo
Sa ginawa kong paglipat ng trabaho
Nakakapagod nga  kung lilimiin mo
“But what’s more important” ay masaya ako

Jeep ang siyang laging sinasakyan
Mc Arthrur  ruta nitong tinatakbuhan
Ang NLEX ay puwede ring namang daanan
Kung ako ay merong pribadong sasakyan

Kaso wala kaya’t jeep sinasampahan
Ngunit magkaroon man nga kotse o “van”
‘di gagamitin papuntang Meycauayan
Sa mahal ng krudo ako’y hihilaturan

Kaya’t araw-araw sumasakay sa jeep
Ang alikabok at usok tinitiis
Kaya’t kapag dumating ako sa office
Master (‘di “sardines but facial cleanser”) ang gamit

Sa “daily travels” ko  muling napansin
Jeep na “primary mode of transport” natin
Jeep na“king of the road” kung ating ituring
Iba peste sa daan dito ang tingin

Marami talagang sa jeep naiinis
Sa dami kasi nila dulot ay trapik
Sa mga kanto hihinto at sisiksik
Mga driver nito’y mahilig manggilid

Ngunit inis man ang ating hinahanap
Kapag mamasyal o may nilalakad
Ay ang jeep na sa kalsada ay nagkalat
May bago, may luma, may kakarag-karag

Jeep ni Uncle Sam nang kay Juan ibinigay
Sari-saring borloloy dito inilagay
Ginamit ito ni Juan panghanapbuhay
Disenyo sa panlasa niya’y ibinagay

May jeep na maikli merong super-haba
Merong bagong-bago merong super-luma
Merong ang makina pwedeng pangarera
At meron din siyempre pangpunenarya

May jeep  na may stereo upang malibang
Mga paseherong nagsisisakayan
Minsan nga noon ako ay nagulantang
May TV at DVD jeep na nasakyan

Ang mga jeep natin,  style  ay assorted
Kay daming borloloy sobrang decorated
May stainless, merong sa kulay ay hanep
Ang Pinoy talaga sa estilo’y  astig

Tunay nga na ang jeep ay sumisimbolo
Sa “ingenuity” ng  lahing Pilipino
Kasi itong sasakyang pamana ng Amerikano
Binigyan nga ni Juan ng bagong disenyo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: