Pasaherong Pasaway

jeep2

Iba’t-ibang tao nakakasabay sa jeep
Iba’t-ibang ugali , iba’t-ibang hilig
Iba’t-ibang topak, magkakaiba ang trip
May nakakatawa, may nakakainis

May mga ordinaryong tao, may mayaman
May mga simple, siyempre may mayayabang
Nandyan din ang bastos, pero may magagalang
May mababait, siyempre may mga kawatan

Ang pasaherong tiyak na kakainisan
Bababa na saka pasahe babayaran
Buo pa ang pera’t kaylangangan suklian
Sa abalang dulot kay sarap batukan

May mga pasaherong ayaw umusod
Kapag ‘di ka nagtimpi ika’y mayayamot
Meron namang kapag bayad pinaaabot
Bago kuhanin sa iyo’y sisimangot

Ang iba naman ay kapag nagdaldalan
Lakas ng mga boses maka-basag eardrums
Kung pwede nga lang bibig nila’y busalan
O pababa ng jeep sila’y ipagtulakan

At nang isang gabi muling sa jeep nasakay
“The long and winding road”  muling nilakbay
Ang biyahe kong iyon ay kakatwang tunay
Nakasabay na pasahero’y puro pasaway

Sa isang kanto sumakay seksing bebot
Mga barako sa jeep nanginig ang tuhod
Pasaway na bebot Diyos me ang suot
Suking sastre sa tela yata’y kinapos

Sleeveless na hanging ang v-neck niyang  t-shirt
Super duper igsi pa suot n’yang skirt
Sa t-shirt nya “Dangerous Curves”  nakatitik
Maniwala kayo mata ko’y ipinikit

Pumreno ang jeep ako’y naalimpungatan
Mata kong ipinikit muli kong binuksan
Isang pasahero sa daa’y hinintuan
At isang pasaway kami pa’y nadagdagan

Sumakay na mama hilo sa kalasingan
Halos mapasubsob sa napiling upuan
Minalas na bebot na kanyang natabihan
Muntik-muntikanang kanyang nasukahan

Maya-maya pa’y humihilik na ang senglot
Sa kalasingan ito ay nakatulog
Ang ulo niya kung saan-saan nasusubsob
Minsa’y nadadako sa kandungan ng bebot

At biglang lumitaw isa pang pasaway
Na sa biyaheng iyon ay aming nakasabay
Dinukutan ang lasing pitaka’y tinangay
Walang patawad kinuha pati suklay

Wala akong magawa kundi panoorin
Ang nangyayaring krimen sa harapAn namin
Mamang mandurukot ‘di pwedeng sawatain
Baril na hawak baka iputok sa akin

Dinukutang mama tuloy sa paghilik
Bebot namang katabi sa takot nanginig
Pasaway na mandurukot pinara ang jeep
Pagbaba’y palayo itong tumalilis

Mga pasaway nandyan lang sa paligid
Minsan nga ay sumasakay  sila sa jeep
Kaya nga’t mahirap sa jeep umidlip
Baka paggising mo’ wala ka ng gamit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: