Nang Sa Jeep H’wag Mainip

(HETO NA ANG JEEP – 2)

jeep2

Sa araw at gabi kong pagsakay sa jeep
Haba ng biyahe’y lubhang nakakainip
Minsan ito’y nasasamahan ng inis
Kapag jeep  nalunod sa matinding trapik

Kaya’t ikaw sa jeep dapat may libangan
Nang inip na matindi’y mapaglabanan
Kapag may dalang “earphones” tenga’y pasakan
Musika sa byahe pwede kang samahan

Kung wala kang “gadgets” huwag problemahin
Jeep na may “stereo” ang iyong parahin
At sa mamang driver ay iyong hilingin
Favorite mong “love songs” ang kanyang tugtugin

Swerte mo na lamang kung matyetyempuhan
Jeep na may TV na pwedeng panooran
Huwag ka lang sanang masyadong malibang
Baka lumampas sa lugar na pupuntahan

Pwede namang atensyon ay ibaling
Igala ang mata ika’y mag “sight-seeing”
Tignan sa daraanan magandang tanawin
At kung wala nama’y poste ang bilangin

Kung di mo tipo sa labas mag “sight-seeing”
Sa loob ng jeep igala ang paningin
Baka may tsikas, maganda at malambing
Subukan mo’t baka pwedeng siya’y kausapin

Payo ko lamang kapag iya’y gagawin
Tsikas na kausap matamang kilatisin
Baka ang inakalang babae sa tingin
Barako palang nagkukunwaring birhen

Pwede din naman na sa jeep ay matulog
Lalo na’t kung puyat at matindi ang antok
Alisto ka nga lamang sa mandurukot
At sa kawatang gamit ay hinahablot

At kapag inaantok at natulog sa jeep
Tiyaking itikom maluwang na bibig
Kadiri mong laway huwag sanang manggilid
At pakiusap huwag ka namang maghilik

 Meron din namang sa jeep ang libangan
Sa kaybigang kasama’y makipagkwentuhan
Kapag ito’y ginawa boses hinaan
Baka natutulog bigla kang bulyawan.

Syempre sa jeep ang cellphone pwedeng gamitin
Kapag naiinip keypad pindot-pindutin
Walang problema kung unlimited ang texting
Basta’t  ang pamasahe ay huwag lilimutin

Marami pang sa jeep ay pwedeng gawin
Upang ng inip ay huwag atakihin
Mag-instant konduktor kung mamarapatin
Tulungan ang tsuper pasahe’y abutin

O kaya naman baraha mo ay dalhin
Magyaya ng kasama tong-it laruin
At nang ang driver di kayo pababain
Mangakong tong para sa kanya’y iipunin

Marami pa tayong sa jeep pwedeng gawin
Pwedeng magbasa ng news, pwedeng kumain
Kung gusto mo naman  ay mag-bible sharing
O sa mga usapan ika’y mag-eavesdropping

Minsan sa jeep paningin mo ay talasan
Baka isang live show iyong matyempuhan
Magsyotang pasahero naglalambingan
O kung may LQ sila’y nagsisigawan

Huwag kalimutan mga tips na nabanggit
Sana sa susunod mong pagsakay sa jeep
Tiyakin mong hindi ka na maiinip
Hindi mabuburyong sa haba ng trapik

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: