KUWENTULAAN


(Tulatoryahan)

Tulatoryahan

Sina Ching at Banjun ay tubong Cagayan
Sila’y magkababata at magkaybigan
Hiwalay na pumanday ng kapalaran
Ngunit isa’t-isa’y ‘di kinalimutan

Nang sa Facebook sila ay nagkatuntunan
Buong pananabik silang nagkuwentuhan
Kuwentuhang pinadaloy sa taludturan
Ay siyang pinagmulan ng KUWENTULAAN

Simple lamang hinabi nilang mga tula
Walang sukat ngunit dulo’y tugma-tugma
Sila ma’y ‘di batikang mga makata
Pinagpaguran bawat tulang kinatha

Apat na buwan ng tula’y nagpalitan
Sabik na sabik na sila’y nagkwentuhan
Maraming bagay silang pinagusapan
Maging ng payo sila ay nagpalitan


Pagka-gradwyet ko ng elementarya, mula sa Cagayan, kung saan kami ng kababata at kaybigan kong si Banjun (Verbo S. Cabus, Jr. alyas Tibong Cagayano) ay isinilang, ay lumipat ang pamilya ko sa lalawigan ng Batangas. Doon na kami naninarahan kaya’t mula noon ay hindi na kami nagpangita ni Banjun.

Nagulat na lamang ako  nang noong ika-27 ng Enero, 2010 ay may nag-tag sa akin sa isang tula na naka-post sa Facebook. Ang nag-post ay si Banjun na matagal na palang panahon na naninirahan sa London kasama ang kanyang kabiyak at mga supling. Ang tula’y tungkol sa akin. Patula rin nang ako’y sumagot. Doon nagsimula ang halos apat na buwan na palitan namin ng tula. Karamihan ng aming mga akda’y nasulat noong Pebrero  at Marso ng taong iyon.

Nagkuwentuhan kami sa patulang paraan. Mahirap pero pilit naming pinanidigan. Katuwaan lang. Tinawag n’ya itong TULATORYAHAN at ang bansag ko naman dito ay KUWENTULAAN.

Ang kapatid niyang si Vivian (Bianang) at kaybigan na si Vidang (Vida) ay napatula rin at paminsan-minsang sumingit sa aming kwentuhan.

Karamihan sa mga tula namin ay sumusunod sa malayang taludturan…ang mga dulo’y pilit namin pinagtugma ngunit walang sukat na sinusunod. Mangilan-ngilan sa mga tula nami’y merong sukat at tugma.

Kahit pareho kaming hindi taal na Tagalog at ang pagkatha ng tula’y libangan lang ay sinuong namin ang hamon na magkuwentuhan sa patulang paraan.

 

**********

Para Sa Iyo Hardpen
Tibong Cagayano                                                                    

Tugon Kay Banjun, Hardpen
Hardpen

Para Sa Aking Fren na si Harpen
Tibong Cagayano

Still Nostalgic
Hardpen

 Vision of a Reunion
Tibong Cagayano

Response to Banjun’s Vision (Plus a Revelation)
Hardpen

You Revelation, My Response and Vision
Tibong Cagayano

Aking Mga Saloobin                                                                        
Hardpen

Tama ba naging Desisyon
Tibong Cagayano

Sagot sa Iyong Katanungan (Ako naman ang pagpayuhan…)
Hardpen

Salamat sa iyong Sagot (Payong Kaybigan atbp.)
Tibong Cagayano

Ala-ala ng mga Kaklase sa Elementary
Tibong Cagayano

Sa Naunsyaming Ambisyon Pa Rin
Hardpen

Patungkol sa Ala-ala ng mga Klasmeyts sa Elementarya
Hardpen

Kabiyak ng Aking Puso…pakilala ko sa iyo.       
Tibong Cagayano                                                                    

Seryosong Kuwentuhan 1
Hardpen

Sa Lihim mong Ikinumpisal (Mangungumpisal Din Ako)
Tibong Cagayano

Problema ay Harapin, Hindi Dapat Iwasan
Tibong Cagayano

Seryosong Kuwentuhan 2
Hardpen

Wala Kang Dapat Iwanan!
Tibong Cagayano

Seryosong Kwentuhan 3
Hardpen

Payo ko ‘di na Magbabago
Tibong Cagayano

Dito sa Inglatera (…mga negatibong lang ang babanggitin ko)
Tibong Cagayano

Dito sa Inglatera (…mga positibong bagay naman)
Tibong Cagayano

Medyo Seryoso Pa Rin (Kaunting Liwanag)
Hardpen

Aking Tugon (sa tula mong Kaunting Liwanag)
Tibong Cagayano

Tungkol Sa Akin – 1
Hardpen

Mga Hamon Sa Buhay
Tibong Cagayano

Tungkol Sa Akin – 2
Hardpen

To Banjun and Hardpen     
Bianang                                                                      

Para Sa Iyong Ate Vivian
Hardpen

Para Sa Iyo Ate Vivian
Tibong Cagayano

…sa inspirasyong bigay mo, Salamat!
Tibong Cagayano

Aking Ama’t Ina – 1
Hardpen

FB Frens – 1
Bianang

Aking Ama’t Ina – 2
Hardpen

Tugon sa Iyong Pasasalamat
Hardpen

Tibong Cagayano
Tibong Cagayano

Pinataba mo ang aking Puso!
Tibong Cagayano

FB Frens – 2
Bianang

Pangalan, Palayaw at mga Alyas – 1
Hardpen

Tugon sa iyong Tulang Kinatha
Tibong Cagayano

Bagyong Bianang, Paghandaan
Hardpen

Sa Mga Alyas na Gamit
Tibong Cagayano

Sa Bagyong Bianang, Ako ay Nakahanda
Tibong Cagayano

Tibong Cagayano & Hardpen
Bianang

Pangalan, Palayaw at mga Alyas – 2
Hardpen

Tatlong Rosas sa aking Buhay
Tibong Cagayano

Tanging YamanTanging Yaman
Vidang

Sa Pagdating ni Bb. V.V.
Tibong Cagayano

FB Frens – 3
Bianang

FACEBOOK…ang bago kong Kasintahan!FACEBOOK…ang bago kong Kasintahan!
Tibong Cagayano

For Adults Only
Hardpen

Mga Bagyong Bianang at Vidang
Hardpen

For Adults Only (din)!
Tibong Cagayano

Pasyalan Natin Aking Mga Hardin – 1
Hardpen

…..Ano ba talaga?????
Vidang

Sa Pinagsamang Bagyong Bianang at Vidang
Tibong Cagayano

Kwentong Ligawan (Part 1)
(Banjun at Magie – High School Memories-1)
Tibong Cagayano

Pasyalan Natin Aking Mga Hardin – 2
Hardpen

Kwentong Ligawan (Part 2)
(Banjun at Magie – High School Memories-2)
Tibong Cagayano

Kwentong Ligawan (Part 3)
(Banjun at Magie – Ligawan ng Mag-asawa)
Tibong Cagayano

Buhay Hayskul (Ligawan Part 1)                                                               
Hardpen

Sina Tigre at Leon, tiga-bantay ng aking Bakuran
Tibong Cagayano

Kaybigan…huwag ka sanang madismaya!
Tibong Cagayano

Buhay Hayskul (Ligawan Part 2)
Hardpen

Reaksyon sa Iyong Kwentong Ligawan
Hardpen

Ang Makinilya ninga Bianang at Vidang
Tibong Cagayano

Buhay Hayskul (Pagpupugay sa mga Mahal Kong Guro)
Hardpen

Dito Po Sa Amin – 1 (Mga Usapin)
Hardpen

Dito Po Sa Amin – 2 (Tambutsong Maingay)
Hardpen

Dito Po Sa Amin – 3 (Munting Pilipinas)
Hardpen

%d bloggers like this: