……….ANO BA TALAGA??????????

Vidang , 03-11-10

Itong pangalawang tula’y aking sinusubukan
Mahirap palang mag-isip kung walang karanasan
Kaya Hala! heto ako’t masyadong nagpupursigi
Na may maisulat kahit man lang kaunti.

Ang pagsulat ko sa aking unang tula
Ay sa akin naman ay gusto lang subukan
Na maisulat ang natatanging nilalalaman
Nang isip at puso ko bilang isang ina naman.

Dahilan sa ilang taon na di nakakasama
Mga anak na sabik na sabik ng makita
Sapagkat sa kasalukuyan sila’y malayo pa sa aking piling
Kaya ipinasyang gumawa na lang ng isang hiling.

Sa kababasa ko sa mga tula ninyo
Ako dito sa Amerika ay naeenganyo
Kaya sinubukang isulat sa papel nasa isip ko
At pagtagpi-tagpiin ang bawat salita ko
Subalit noong ito’y matapos na at aking babasahin
Biglang nag-isip ano kayang gagawin?

Ako’y nahihiya kung ito’y aking isalin
Sa FACEBOOK na maraming nakatingin
Pero noong ako ay nakapag isip-isip na rin
Kaya sabi ko sa sarili’y, WHY NOT? puwede na din.

Tutal ito nama’y hindi isang kathang-isip lamang
Bagkus ito’y isang true experience din lang
Kaya ang mga salita ko’y nanggaling straight from my heart
Para naman maka relate ako sa mga taong na-broken heart.

Salamat sa inyo at ito’y inyong nagustuhan
Kaya panatag na itong loob ko at isipan
Baka sakaling ako dito ay laging inspire
Na gumawa ng mga tulang ito na sa inyo’y mag transpire.

Sa pagkabasa ko sa sagot mo Banjun kong pinsan
At kay Massuline naman na iyong kaibigan
Ako dito ay nagagalak naman
Sa mga salitang inyong binitiwan
Salamat naman at ito ay inyong nagustuhan.

Nang ang aking pamangking si Rhea ay nagbasa
Ang sabi niya, siya ay napaluha
At sa aking kapitbahay naman na si Mandy
Ang sabi ay naka relate naman sa marami.

Hay naku, bakit naman kasi ako dito napasali
Sa paggawa ng tulang hindi naman ako kasali
Kaya heto ako ngayon sa harap ng computer na dibdiban
Na pinaglalaro ang isip kung ano pa ang dapat kong susulatin.

Kaya huwag kayong mag-alalang dalawa sa akin
Dahil ako ay saling-pusa lang naman din
Sa katuwaan ko sa pagbabasa ng mga tula ninyo
Heto ako’t walang tigil na nakikigaya sa inyo.

%d bloggers like this: