FB Frens – 2

Bianang, 03-03-10

kung inyong natatandaan
sa una kong tula aking tinuran
dahilan ng aking katuwaan
dito sa susunod masumpungan

heto na nga mga kaybigan
sana inyong tunghayan
ito man ay simple lamang
nawa kayo ay masiyahan

bj, tula mong gawa para sa ating ama
sa kanya ay aming binasa
sa sobrang tuwa at galak
maya’t maya ito’y kanyang binabasa

dahil sa inyong mga tula ni ching
na kanyang kinagigiliwan
ating mahal na ama
sa internet nagkainteres na

sa pagmulat ng aking mga mata
ama natin ang unang nakikita
sa halip batiin ng magandang umaga
sa kanya ako ay natatawa

minamahal nating ama
sa harap ng computer ay nakaupo na
aking tiningnan kanyang ginagawa
mga tula ninyo pala”y kanyang binabasa

sa mga tula ninyong gawa
siya ay totoong naadik na
hindi siya tumatayo
hangga’t lahat ay di nababasa

hindi ko na magawa
sa mga kaibigan ay makipag-chat
sapagkat mahal nating ama
FB account ko ang gamit niya

%d bloggers like this: