for adults ONLY (din)!

Tibong Cagayano, 03-08-10

Sa tula mong For Adults Only, meron din akong sagot,
isang kwentong di ko makalimutan ng ako’y pumalaot,
dun sa Malanao nagtungo kukuha sana ng mga abubot,
na gagamiting materyales sa lilikhain kong laruang robot.

Eto… aking isinalarawan sa isang tula,
basahin mo at lakihang mabuti iyong mga mata,
damhin mo ng husto lahat ng ginamit kong salita,
kung may maramdaman ka, huwag mong ipahalata!

Minsang ako’y naglalakad sa may tabing dagat,
ako’y nakakita ng isang bagay na aking ikinagulat,
dagli ko itong nilapitan at masusing sinipat,
ay diyuskupo… muntik na akong mawalan ng ulirat!

Isang bagay na kumikinang sa tama ng sinag ng araw,
ang kanyang balat ay talaga namang nakakasilaw,
nakakasiguro akong lahat ng sa kanya’y maka-aninaw,
atensiyon ay makukuha, sa tabi niya’y di papanaw.

Tulad ko na lamang na labis ang pagkabigla,
sa pagkakita ko sa kanyang itsurang nakabukaka,
malamang sa hindi, lahat ng sa kanya ay makakita,
mapapalunok, maglalaway, didighay ng pagkahaba-haba!

Ang itsura niya ay mahirap isalarawan,
ngunit batid kong ito’y isang bagay na pangkaraniwan,
gustung-gusto ito ng kababaihan lalo na ng kalalakihan,
paborito nga rin ito ng bading kong kaybigan.

Nang akin itong hawakan at haplusin ng malumanay,
mayroon akong naramdamang biglang nagkabuhay,
para akong idinuyan sa saliw ng kantang “Usahay,”
tuhod ko ay nangatog, para akong mabubuway.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili,
hinawakan ko ito ng mahigpit saka ko dinaliri,
naramdaman ko ang kanyang dulas, muntik na akong mapa-ihi,
lumabas kanyang katas, ano ba sa kanya nangyayari?

Ilong ko’y inilapit sa kanya saka ko inamoy-amoy,
ahhhh… para akong nakasinghot ng pabangong dumaloy,
nag-init buong katawan ko, para akong nadarang sa apoy,
pakiramdam ko… parang sa paraiso ako ay pinatuloy!

Sa naramdamang ito na talagang kakaiba,
lakas-loob kong idinampi dito ang aking dila,
naramdaman ko kanyang dulas, sa laway ko siya ay nabasa,
ummmm… kakaiba at nakakarindi ang kanyang lasa!

Muli kong pinagmasdan ang kanyang itsura,
sa kanya’y pinagsawa ng husto aking mga mata,
siya’y mainit-init, madulas, basa at namumula na,
ako’y napalunok, naglaway at sa sarili’y nawala.

Mahigpit ko siyang hinawakan saka muling dinaliri,
inamoy na muli at saka ang dila’y idinampi,
sa puntong yun di ko na talaga napigil aking sarili,
kinain ko siya at ako ay napasigaw ng yummmmyyyy!

Biglang may mabigat na daliring kumalabit sa aking likuran,
laking gulat ko, ako’y napatayo, saka likod ko ay tiningnan,
malahiganteng mama ang nakatayo ngayon sa aking harapan,
galit niyang tanong, Bakit mo kinain ang TAHONG kong ulam?

%d bloggers like this: