para sa aking Fren na si HARDPEN

Tibong Cagayano, 01-30-10

akin pang natatandaan
nung pumapasok tayo sa eskwelahan
laging nagbabaon ng pang-tanghalian
de-latang sardinas malimit nating ulam

ating ginagalugad ang kagubatan
kunwari’y naghahanap ng gamit-proyekto sa paaralan
pero ang tutuo naman nating pakay
manghuhuli ng manok na makakatay

paano nga ba nagsimula
ang pagkatuto nating manghuli ng manok at ito’y ilaga
tanda ko turo yun ni Raymong Dafang
miyembro din ng ating lokong gang

minsan sa paaralan tayo’y umiskapo
sa Fabrica tayo ay nagtungo
titser nating si Miss Andrea Cauilan (Mrs Andrea Dela Fuente na ngayon)
galit na galit parang gusto tayong saktan

hindi naman natin maintindihan
bakit ganun na lang kanyang pakikialam
yun pala tayo’y pinoprotektahan
sa panganib na dulot ng ilog Cagayan

iyo pa bang natatandaan
nung ikaw ay napalaban
kay Francis Lorilla isa kong kapitbahay
na isa ring pilyong tunay

niloloko ka niyang malaki iyong ulo
di ba niya alam sagisag ito ng pagiging matalino
umakto kang parang nanghuhuli ng isda bilang kasagutan
ano bang ibig sabihin nun at pati ina niya’y nakipagrambulan

kaimito, buko, aratiles at bayabas
lahat ng yan hindi natin pinapalampas
basta may pagkakataon para mapitas
pilit nating kinukuha puno man ay mataas

kisame ng paaralan natin
sabay nating noo’y aakyatin
tae ng mga bayakan ang pakay natin
gamit pampataba sa lupa ng ating mga pananim

bannawag liwayway komiks at magasing
kay Mang Ike Mallabo nanggagaling
door-to-door na idinideliber
sa mga suki nating avid reader

ilan lang yan sa mga alaala ng ating pagsasama
nung tayo ‘y mga musmos at bata pa
mananatiling buhay sa aking diwa
ngayon bukas hanggang sa buhay-kabila

i miss you my friend….

%d bloggers like this: