REAKSYON SA IYONG KUWENTONG LIGAWAN

Hardpen, 04-09-10

Reaksyong sa iyong kwentong ligawan

Hanga ako sa kuwentong ligawan ninyo ni Magie,
kumbaga eh “well-crafted” ang inyong love story,
kumpleto sa “elements” masarap abangan bawat bahagi,
“exciting” sundan kung ano ang susunod na mangyayari.

Ang “twist” na “exciting” si Magie’y ginamit na tulay,
upang mapasagot ang dalagang iyong sinisintang tunay,
ngunit dalagang iniirog sa bola mo’y di napasakay,
binasted ka’t pinauwing luhaan sa inyong bahay.

Nakakatawang tulay ka rin ng isang kaybigang lumigaw,
ang binatang kay Magie, paghanga’y tunay na nagumapaw,
ngunit si Magie’y malupit, maihahambing sa haring araw,
pag-ibig ng kaybigan mo eh walang awa na nilusaw.

Nang lumaon sa bitag ni Magie ikaw ay bumagsak,
tingin ko Tibong tila may “conspiracy” na naganap,
si Magie at iyong bumasted sa iyo’y magkamag-anak,
ipaubaya ka sa kanya, baka si Magie, sa pinsa’y nakiusap.(hehehe)

At bahagi nga ng isang napaka-intricate na plano,
na-conceive ni Magie para ginawa niya’y di halatado,
na kapag ikaw ay nanligaw ay magpapakipot sa iyo,
babastedin ka’t magkukunwari na di ka niya gusto.

Ang batang Tibong ay umiyak, iyan ang sabi mo,
ngunit nag-isip dahil hindi ka talaga kumbinsido,
pakiramdam mo kasi, si Magie, may pagtingin sa iyo,
ginawang pagbasted sa iyo’y di taos sa kanyang puso.

Kaya’t si Tibong sa himpapawid pumailanlang,
naghanap ng ibang bulaklak na madadapuan,
sa bulaklak na nakita ikaw ay nakipagharutan,
ang tanging nais mo’y si Magie ay pasakitan.

Nagtagumpay ang Tibong sa planong naisip,
ginamit na “strategy” talaga namang “effective,”
ang dalagang minamahal mo ay di nakatiis,
napasagot at sa piling niya’y hinila kang pabalik.

Iyong bulaklak na hinarot mo ng panandalian,
tiyak na nagdamdam nang siya’y iyong talikuran,
subalit tibok ng puso mo kay Magie lang nakalaan,
sambahin at mahalin siya ang iyong kaligayahan.

Ako ba’y NADISMAYA sa iyong kuwentong pag-ibig,
na kung saan si Magie lamang babaeng tinangkilik,
na umiwas kang tumuka kahit palay na ang lumapit,
sagot ko’y HINDI bagkus sa iyo ako’y NAINGGIT.

NAINGGIT dahil kung magmahal ka ay tapat,
tumingin sa ibang babae ay hindi mo hinangad,
katapatan mo kay Magie tunay na walang kasukat,
mabuti kang tao, mabuting asawa, puso’y busilak.

Kung bakit nga ba ganyan mo minahal si Magie,
bakit kasing-tamis ng pulot ang inyong love story,
isang bagay Tibong ang hindi mo maitatanggi,
Magie has qualities that makes her deserve your loyalty!

%d bloggers like this: