TIBONG CAGAYANO & HARDPEN

Bianang, 03-05-10

kayong dalawang magkaibigan
ako nga ay inyong tigilan
paghabi ng tula huwag hamunin
baka sa kangkungan kayo ay damputin

sa aking pambungad na pananalita
huwag sana kayo ay magdamdam
sapagkat ang nais ko lamang
mapagaan ang takbo ng ating tulaan

nang una pa man sinabi kong di ako seryoso
alam ko naman na di ito ang aking mundo
sabi nga ng anak ko, di naman daw ako makata
kundi sadyang makati lamang ang dila ko

maraming salamat sa inyong paniniwala
na kayangkaya ko ang paggawa ng tula
aminin ninyo man o hindi
napabilib kayo sa simple kong katha….ha..ha..ha..ha

%d bloggers like this: