PAKWELANG TALUDTURAN

images

Pakwelang taludturan ay pausuhin
Simulang seryoso sa biro’y tapusin
Tagiliran ng babasa’y susundutin
Ngiti nila’t utot ating palabasin

__________

Mahirap man ay dapat ko nang aminin
Masakit man ay dapat ko nang tangapin
Sinikap ko ngunit ano man ang gawin
Bilbil ko ay hindi na kayang tanggalin

__________

Habang nakapikit ay merong nalanghap
Ito ay samyo ng hinog na bayabas
Ngunit nang mata ko’y aking iminulat
May katabi akong braso’y nakataas

__________

Masarap pagmasdan iyong kabuuan
Mapula’t makinis ang iyong katawan
Mabangong langhapin ika’y katakam-takam
Oh tuksong Mila’s Lechon ako’y layuan

__________

May seksing sa jeep nakatapat ng upuan
Aba’t labi ko matamang pinagmamasdan
Tumabi sa akin at ako’y binulungan
“Brod! Mugmog mo sa nguso iyong punasan!”

__________

Dahil nga sa bawal tayong magpaputok
‘di sige tayo na lang ay manorotot
O kaya’y itaas kili-kiling maantot
Tapos sabay-sabay tayong magsiutot

__________

Nakabuntot ka’t lagi akong sinusundan
Halos oras-oras kung ako’y tawagan
Pangako sa iyo sana’y panghawakan
Pautang mong 5-6 aking babayaran

__________

Wala kang awa nuknukan ka ng lupit
Sobra-sobra ang dulot mong pasakit
Gabi’t araw ako ay naghihinagpis
Isusumbong na kita sa aking dentist

__________

Si Sleeping Beauty dati’y may insomnia
At si Cinderella ay may alipunga
Si Snow White nama’y gumamit ng Gluta
Hetong si Rapunzel may balakubak pala

__________

H’wag kang mawawalay sa aking paningin
Kung mawawala ka’y pilit hahanapin
Susundan ka kahit saan makarating
Hangga’t ‘di bayad ang utang mo sa akin

__________

Bakit ako’y hirap na ika’y tanggihan
Hindi mapakali kapag ika’y nagparamdam
Kapag tumawag ka lahat iiwanan
Hahanapi’y inidorong mauupuan

               __________

Nadaanan sa parke at ako’y nginitian
Umakbay s’ya sa akin nang aking tabihan
Sa ibinulong ni seksi ako’y nagulantang
“Bigay mo cellphone kung ayaw mong maputukan!”

__________

Napaka-cute mo at ubod pa ng lambing
Gustong-gusto mong sa aki’y lumambitin
Balbon ka’t maputi kay sarap haplusin
Oh TUTA my TUTA masarap kang laruin

__________

Sa mata n’yang kay pungay ako’y natingin
Sa nakita’y nabagabag aking damdamin
Di ko napigilang pabulong na sabihin
“Miss may mutang sa kilay mo lumambitin.”

__________

Pilit pumupulupot sa aking baywang
Habang buhay yata akong didikitan
Kahit anong gawin ayaw akong iwan
O BILBIL pakiusap ako’y tantanan

__________

Pinipigilan ma’y lumalabas kang pilit
Doon ka dumadaan kung saan masikip
Kapag lalabas ka na ako’y alumpihit
Baka may makaamoy o makadinig

               __________

Nanabik sa gabi na ako ay yakapin
Hinahanap ka kapag dumatal na ang dilim
Sana naman ako ay lagi mong dalawin
Pakiusap ANTOK ako’y iyong pansinin

              __________

Bakit sa akin lagi kang bumubuntot
Kahit saan magpunta kita’y kasunod
Didikit ka pa’t katawan mo’y ihahagod
Sige na BROWNIE iwagwag ang buntot

__________

Higpit ng yakap ko’y ‘di mo tinanggihan
Dulot mo’y ginhawa sa pagal kong katawan
Sa lungkot at ligaya ako’y sinamahan
H’wag ka sanang mawala mahal kong UNAN

 __________

Ikaw ang kanlungan ko kapag tag-lamig
‘di pinagdamot  ang kaylangan kong init
Maging mga luha ko’y iyong pinapahid
Giliw kong kumot ika’y kagamit-gamit

__________

Kutis mo’y makinis malambot parang bulak
Mahubog na katawan mo’y nakakagulat
Nang kita’y lapitan at ikaw ay humarap
Tinutubuan ka pala ng bigote’t balbas

__________

Nangakong kita’y kakalimutan
Nangakong ‘di ka na babalikan
Pangako’y ‘di ko mapanindigan
O kape kay hirap mong iwasan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: