Ang Loro

(Sa Piling Ng Mga Hayop – 4)

parrot

Heto nanaman ako at kayo’y kukwentuhan
Tungkol sa isang HAYOP dito sa kagubatan
Kilalanin ng mabuti upang maiwasan
Baka sa susunod kayo’y kanyang mapagtripan

Ang HAYOP na ngayon ay ating pagkukuwentuhan
Ay isang LORO na kilala sa katabilan
Ano mang usapin kapag kanyang nalaman
Buong bayan, sigurado, ito’y malalaman

Lubhang nakakainis itong LORONG matabil
Bakit makati niyang dila di mapigil-pigil
Sa “oath of confidentiality” laging nagtataksil
Mga dapat itago pilit niyang ire-reveal

Ibang mga ibon na kasama niya sa kawan
Ugali niyang ito labis pinagtatakhan
Ano ba’ng napapala sa kanyang kadaldalan
Tuka sana nito’y permanenteng masarhan

Ano nga daw ba kasi ang kanyang nahihita
Kapag pilit ikakamot makati  niyang dila
Ano nga daw ba kasi ang kanyang mapapala
Kung  sa katabilan niya ay may masisira

Di naman siguro AHAS ang nasabing LORO
Para mga kasama niya’y ipagkanulo
Siya ba ay TALANGKA? Hindi naman siguro
Na nang makaakyat hahakbangan ka sa ulo

Lubhang ngang kakaiba hetong  HAYOP na LORO
Minsan kasi’y mapagkakamalan mong HUNYANGO
Kayhirap tantyahin ang taglay na kulay nito
Kakampi? Katunggali? Sadyang nakakalito

Wika ng iba ay talagang natural lamang
Na  hetong HAYOP na LORO ay may kadaldalan
Marahil paniniwala niya ay  “no harm done”
Kung mga sikreto’y kanyang ipagwawagwagan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: