Ang Mga Hunyango

(Sa Piling Ng Mga Hayop – 2)

Di nga ba’t sa gubat na aking kinasadlakan
Doo’y may mga HAYOP akong nasumpungan
Ang ilan sa kanila’y ating ng napagkwentuhan
Unggoy, ahas at talangka, sana’y natatandaan

 Heto’t ang tulang iyon  ngayo’y dudugtungan
Isa pang HAYOP pagkilatis ay inyong simulan
Mga katangiang taglay nito dapat na malaman
Upang  ang HAYOP na ito’y dagling maiwasan.

Ang HAYOP na ito HUNYANGO  kung tawagin
Kulay ng balat nito’y kayang-kayang pagpalitin
Kapag nakaharap paulit-ulit ka niyang pupurihin
Pagtalikod mo naman saka ka niya mumurahin

Itong HAYOP na ito ubod galing magpanggap
Kapag nakatalikod ang kasama saka bumabanat
Kapag ang binabatikos  sa kanya nama’y humarap
Ngingisi-ngisi, parang asong buntot ay nakabahag.

May mga hunyangong noong eleksyo’y naglabasan
Nangakong isang kandidato kanilang susuportahan
Dahil doon mga hunygango binigyan tiglilimang-daan
Maniwala ka,  kalabang pulitiko kanila ring hinuthutan

Ganyan ang mga HAYOP na hunyango kulay nagpapalit
K
ung kanino makikinabang doon sila kumakapit
Ika nga’y basta’t manatiling pula ang kanilang gilagid
Kahit sa kaunting halaga prinsipyo nila’y ipagpapalit.

Meron pang katangian ang hunyango na kakaiba
Mas mahaba pa sa katawan nito ang kanyang dila
Ganyan ang HAYOP na ito, matabil, madada
Buhay ng may buhay sa baya’y ipinamamalita.

Kukulayan ang sarili bilang iyong kaybigan
Siyempre siya nama’y iyong pagkakatiwalaan
Mga sikreto mong malupit sa kanya ipapaalam
‘di mo aakalaing ang mga ito’y ipagwawagwagan.

Iyan ang hunyango, kulay di mo maintindihan
Kaybigan ba o kaaway na nagkukunwaring kaybigan
Lahi nga ng butiki ikaw tiyak na kakapitan
Kapag alam na sa iyo siya ay may pakinabang

Iyan ang hunyango dila ay may kahabaan
Lahi pa ng butiki na kapag sikreto mo ay nakapitan
Humanda ka na buong bayan ika’y pag-uusapan
Baho mo’y ibubunyag kapag di ka na kaylangan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: