Ang Mga Unggoy, Ahas at Talangka

(SA PILING NG MGA HAYOP – 1)

monkey

Sa paligid iginala ko ang aking paningin
iba’t ibang uri ng HAYOP aking napansin
at di naiwaang sarili ko ay tanungin
anong gubat itong pinagsadlakan sa akin

May mga unggoy na lubhang mapang-inis
walang inaatupag kundi makipagtsismiss
tingin sa sarili malinis, walang bahid dungis
mga kagalit ay parang basura, pilit winawalis

Mga HAYOP na unggoy, ubod ng tabil
bakit ba mga dila nila, di mapigil-pigil
taong pinagtsitsimisan paharap komprontahin
huwag kapag nakatalikod saka gigisahin

May isang unggoy ng bibliya ay nakakabasa
mga kasamahan sa ugali niya’y nasusuka
siyempre kaylangang makipag-ungguyan sa kanya
nginingitian siyang pilit, takot baka kalmutin sila

Ang ibang mga unggoy mukhang mabait
kapag kaharap mo ay ngumingiting pilit
ngunit maya-maya kapag ika’y umalis
tingin sa iyo’y pobreng kuto pilit na tinitiris

Meron ding mga ahas na sa daan nagkalat
sa mga HAYOP na ito dapat kang mag-ingat
dahil nanahimik ka man ikaw ay tiyak magugulat
mababalitaan mo na lang ikaw pala’y kinakagat

Itong mga ahas na kung saan-saan pumupulupot
nuno ng katrayduran bigla na lang sumusulpot
sa nakakaawang biktima kamandag ay ituturok
ang mga katulad ba nila ay kaylan mauubos

Aba’y meron din palang nagkalat na mga talangka
mga HAYOP na ubod kapal ang mukha
upang kagyat makaangat ang iba’y sinisira
walang pakundangan, walang pakikipagkapwa

Mga HAYOP na talangka sadyang nakakamangha
tagumpay nila’y nakasalay sa kabiguan ng kapwa
tamis ng ngiti nila’y galing sa mapapait na luha
na dumaloy mula sa mga mata ng taong sinira

May ilang talangka na kay sarap kutusan
kung manira ng kasama walang pakundangan
sobrang bilib sa sarili, ngunit ang hindi nila alam
baluktot na ugali nila’y madalas ring pinag-uusapan

Sa mga HAYOP na nabanggit dapat na mag-ingat
sabi nga ni Marcelo H. Del Pilar “CAYO AY CAIIGAT”
sa pansita’y huwag matulog dapat ay magmatyag
maghanda ng pangontra sa kanilang kamandag

Sana ang mga unggoy maputulan ng dila
sana ang mga ahas ang pangil ay mawala
sana sa kalan mapunta ang mga talangka
kapag nagkagayon maraming matutuwa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: