Ang Banal na Tupa

(Sa Piling Ng Mga Hayop – 3)

sheep

Mga katoto muli akong  pahintulutan
Na tungkol sa mga HAYOP kayo’y kuwentuhan
Ito’y mga HAYOP na akin ngang nasumpungan
Sa parte ng gubat na aking kinasadlakan

Ang HAYOP  na ngayon ay ating pagkukuwentuhan
TUPANG nagdulot sa akin ng matinding kalituhan
Kasi po ang TUPA sa aking pagkakaalam
Ay HAYOP na mahinahon at may kaamuan

Itong TUPA na ating ngang pinaguusapan
Ay doon sa KUWEBANG BANAL nanunuluyan
Sapagkat piniling ang BATHALA’y  paglingkuran
HAYOP na TUPA nga’y alagad ng kabanalan

Silang mga TUPANG kay BATHALA naglilingkod
Ay huwaran sa pagsasalita at pagkilos
Dapat madaling lapitan ‘di nakakatakot
Dapat lang na mga gawi’y ‘di nakakayamot

 Ngunit pagkaminsan ako ay nagugulat
Dito sa kinasadlakang bahagi ng gubat
Mga HAYOP na TUPA ay lintik kung bumanat
Aakalain mong ibang HAYOP iyong kaharap

Itong TUPA na ngayo’y sentro ng aking kwento
Dila’y di makontrol, matabil na parang LORO
Mga salitang lumalabas sa bibig nito
Matalim, sumusugat, maanghang, papaso

Ugali ng TUPA ay kay hirap na mawari
Minsan kapag umasta akala mo ay hari
Mga gugustuhin hindi puwede na mabali
Salita niya’y batas sundin dapat palagi

TUPANG ito ay parang UNGGOY na matampuhin
Kapag sa daa’y nasalubong at di napansin
Kapag siya ay nakaligtaan na batiin
Asahan mo nang ikaw ay kanyang sisitahin

Bakit? Porke ba siya’y isang HAYOP na TUPA
Na nakatira sa loob ng BANAL NA KUWEBA
Ay obligasyon ng mga nakakasalubong n’ya
Na pansinin, batiin at pagmanuhan siya

Itong  TUPANG ito  ay matamang kilatisin
“Enigmatic” ang personalidad kung tutuusin
Kaya’t di maiwasang sarili ay tanungin
Ito ba’y sheep talaga “or a wolf in sheep’s clothing”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: