Kakaibang Mga Hayop

croc

(Sa Pling Ng Mga Hayop – 11)

Pilyong bubuyog muling pumailanlang
Meron kasing gubat akong pinasyalan
Mga hayop na dito’y naninirahan
Kakaiba angking mga katangian

Tunay ngang kakatwa mga hayop dito
Marangal kung manamit naka-tuxedo
Ivy Leaguers, edukada’t edukado
Doon sa Forbes sila’y may mga palasyo

Iba’t-ibang traits kanilang ine-exhibit
Highly-evolved o produkto ng genetics
Reptile na mala-insekto, anong species?
Mag-ingat kayo’t lubha silang mapanganib

Mga hayop na ito’y sa pork mahilig
Pork nila gusto pa’y sa barrel nakasilid
Parang mga lintang nuknukan ng ganid
Dugo mo Juan tinuyot sa kasisipsip

Mga lintang ito’y may pagkatipaklong
Sa iba’t-ibang partido patalon-talon
Katapata’y parang nakalutang na dahon
Tutungo kung saan ihahampas ng alon

Mala-talangka rin ang mga haragan
‘di pwedeng sama-sama sa isang sisidlan
Walang tiwala sa kapwa nila tulisan
Kaya’t pababa silang naghahatakan

Sila’y mga buwayang may pagka-hunyango
Tunay nilang kulay pilit itinatago
Tunay nilang pakay mahirap matanto
Mag-ingat, magmatyag at h’wag pauuto

Buwaya silang sasagpangin ka’t lulunurin
Pinagpaguran mo Juan kanilang aagawin
Para silang ulupong handa kang tuklawin
Buwitreng laman mo’y uunti-untiin

Papayag ka ba Juan na laging unguyin
Hahayaan mo bang lagi kang linlangin
Tanggap bang ika’y tupang takdang silain
Nitong mga hayop na ganid at sakim

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: