Cholesterol Hub (Isawan Sa Baliuag)

May isang lugar sa bayan ng Baliuag
“Cholesterol hub” ang bagay na ibansag
Kung mataas (Gets mo ‘to…) ang iyong “high blood”
Payo ko sa iyo huwag ka doong maglakad

IMG00136-20131229-1543_thumb

Kasi doon maraming abnoy at bugok
Nakahalo sa mga penoy at balut
Kapag nakita ika’y mapapalunok
Mataas na “high blood” mo tiyak malilimot

At may nagpiprito balat ng manok
Kung gusto mo naman balat ng pork
Sige lang manong lamon basta may gamot
Tikman mo na rin masarap na hepalog

Kwek-kwek sige baka gusto mong subukan
Sagana sa calories bawat piraso niyan
IUD, adidas, helmet… sige tikman
Tutal fully-paid na ang iyong insurance

Sa “cholesterol avenue” ituloy pa ang lakad
May makikitang nakahaing “betamax”
Ito ay “curdled chicken or pork blood”
May balun-balunan din o chicken gizzard

Ateng, kuyang…rayuma din ay isipin
Chicharong bituka huwag nang amuyin
Baga at atay huwag na ding pipiliin
Magturo na lang ng ibang iihawin

Suggestion lang fish balls na lang ang tusukin
Isawsaw sa sukang may sili’t maasim
Safe din ang kikiam iyong subukin
At kapag nauhaw suka ay higupin

Isa-isip ang high blood pati uric acid
Para mas safe ang ipaihaw mo’y pusit
Isnabin ang makabagbag-damdaming sisig
Iwasan din long-legged na day-old chick

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: