Matapos ang Ulan Kalsada’y Masdan

Marami isang umaga ay nagalak
Ulan mula sa langit di lumagaslas
Sa silangan araw muling nabanaag
Idinantay sa lupa ginintuang sinag

Ilang araw ring panahon ay masungit
Sa maghapon ay makulimlim ang langit
Hangin ay malakas, ulan ay tikatik
Kaulayaw ng tao’y  baha at putik

Magandang panahon ay samantalahin
Dumuming paligid unit-unting linisin
Sa silong ng bahay ang tubig limasin
Nabasang gamit sa araw patuyuin

At dahil nga araw ay muling sumikat
Ang paligid nga ay muling nagliwanag
Kalsadang dinadaanan ay nabanaag
Bako-bako, butas-butas, lubak-lubak

Sino ba ang dapat nating  palakpakan
Sa tindi ng kanilang mga kapalpakan
Kapag tag-ulan ay dumating asahan
Gulanit mga kalsadang dinadaanan

Bakit pagkukumpuni di pangmatagalan
Bakit kalsada ay tinatapaltapalan lang
Bakit kaya di na lamang sementuhan
Sa aspalto ba’y malaki ang porsyentuhan

Desisyon nila ay kay hirap arukin
Salat nga ba sila sa ”logical thinking”
Kasabay ng tag-ulan kalsada’y gagawin
Bakit ‘di sa tag-araw ito asikasuhin

Dahil ba sinabi ng Pangulo natin
Matuwid na landas na dapat tahakin
Ay bako-bako at mahirap tawirin
Kaya’t kalsada di na kukumpunihin?

Sa kalsada ay pwede nating silipin
Uri ng disiplina sa bayan natin
Sa kalsada ay pwede ring kilatasin
Kakayahan ng mga pinuno natin

Lubak-lubak na kalsada’y  simbolismo
Nang uri ng ating pagka-Pilipino
Bako-bako na  kalsada’y simbolismo
Nang gobyernong nakaluklok sa palasyo

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: