Mutya Kong Bagong Tubig

Dalampasigan mo’y nagsilbi kong sahig
Pader ang mga bundok mong nakapaligid
Kisame ko’y ang maaliwalas mong langit
Kita’y kanlungan mutya kong Bagong Tubig

Ikaw ang lumilok sa mura kong isip
Nagpatatag sa walang tibay kong dibdib
Dinig mo ang tibok ng una kong pag-ibig
Gabay sa pag-abot ng tala sa langit

Kandungan mo sumibol binhing pinagmulan
Iyong iniluwal lahing pinanggalingan
Lupa’t dagat mo kami’y biniyayaan
Paraisong inukit ng Diyos sa Batangan

Mutyang Bagong Tubig di kita nalimutan
Aba kong soneto iyong pagdamutan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: