Sa Mithing Pangarap

Upang maabot minimithing pangarap
Magsikap ka at piliting makalipad
Iyong ikampay sariling mga pakpak
Sa bumbunan ng iba ay huwag yayapak

Parang agilang sa langit ika’y lumipad
Sumisid pababa dagitin ang pangarap
Huwag  kang talangkang bumbunan ang hanap
At nang makaangat doon ka yayapak

Masarap ang pakiramdam kapag tuktok narating
Nang walang kahit sino na dapat ahasin
Katas ng tagumpay kay sarap namnamin
Kung nakamit ng walang kaylangang tuklawin

Huwag mainggit kapag kapwa ay umangat
Magsikhay ka rin ng maabot ang pangarap
Sa tagumpay ng iba ika’y magalak
Tulad nila’y kakayanin mong magsikap

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: