Tadhana’y Pandayin

tadhana

Sa kinahinatnan ng taglay mong buhay
Nagsikhay ka ba’t nakamit ang tagumpay
O nabigo ka’t ngayo’y lunod sa lumbay
Iyan ay tadhanang ikaw ang nagpanday

H’wag mong isisi sa guhit mo sa palad
Kung sa kabiguan ikaw ay nasadlak
Timon ng bangka mo ikaw ang may hawak
Tangan mo din ang pisi ng iyong layag

H’wag makiangkas sa gulong ng kapalaran
Baka pag-ikot nito ika’y magulungan
Swerte’y h’wag hintayin baka ‘di ka datnan
Tagumpay ay ‘di tsamba, dapat paghirapan

Sa tala’y h’wag ibulong ang iyong hiling
Wala ito tenga upang ika’y dinggin
Manapa’y sa Panginoon manalangin
Gabayan ka nang pangarap mo’y kamtin

Kakahinatnan mo h’wag sa baraha silipin
Buhay ay ‘di sugal h’wag mong balasahin
Talino’t lakas ang dapat na gamitin
Kapag tadhana mo’y nais na pandayin

 

  1. The words are too deep for me to understand. I wish I knew more.

    Like

    • Hi Ren! Which words in particular? You were born here but left when you were 6 so you didn’t have a chance to learn more Filipino words.

      Like

      • Almost all the words you used here, unfortunately. I don’t even know the meaning of the title. Do Filipinos use these words in normal conversation ? I can speak conversational Filipino. I

        Like

  2. Most of the words I used are common ones used in normal conversation in Filipino. Although I wove some parts idiomatically which may appear difficult to understand to those whose vocabulary in Filipino is limited. What for some maybe considered uncommon are the words nagsikhay (work hard), lumbay (sadness), nasadlak (fall into disgrace or shame), timon (rudder), layag (sail) and pisi (string or cord). Tadhana in English is destiny and pandayin to shape. The poem is basically about shaping our own destiny leaving nothing to chance and not relying on luck.

    Like

  3. Dapat tayong maging “ang panday.” Pwede ring “vulcanizer” – nagkukumpuni ng ating gulong ng palad. 🙂

    Naibigan ko ang iyong tula kabayan.Napadaan lang po.

    Like

  1. Pingback: Tadhana’y Pandayin | HARDPEN'S JOURNAL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: