Tunog at Ingay

Gigisingin ka ng tandang na titilaok
Gugulatin ng putak ng inahing manok
Bubwisitin ng motor na haharurot
Kukulitin ng may tindang iaalok

Araw mo’y babatiin ng ingay at  tunog
Likha ng tao iba’y galing sa hayop
May nakakatuwa’t may nakakayamot
May nakakagulat iba’y nakakatakot

Magpapadesal sa umaga’y popotpot
Sa gabi nama’y sisigaw magbabalot
Kapit-bahay mong mabait magpapatutog
Magsisi-kanta kahit boses ay sabog

Kay sarap sana kung may konsiderasyon
Kapitbahay mo sa syudad man o nayon
Kay sarap sana kung huni lang ng ibon
Mapapakinggan mo sa buong maghapon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: