Larawan

 woman2

Lumang larawan sa sahig ay nahulog
Nang ang mga gamit ay aking inayos
Dali-daling ito na aking pinulot
Pinagpag ang kumapit na alikabok

Larawan mo ito muling pinagmasdan
Kinuhanan ka sa isang kabukiran
May mga puno sa banda mong kanan
Ginintuang palay ang nasa likuran

May mga bulaklak sa iyong paanan
Ang isang rosas nga’y muntik matapakan
Sa  kaliwa mo aking nabanaagan
Tutubi’t paro-paro’y nagliliparan

Dapit-hapon noon nang ika’y kinunan
Sa langit ay may kaunting kaaulapan
Palubog na araw sana ay napagmasdan
Kung ang mukha mo ay hindi nakaharang

Larawan mo ay hindi na iniligpit
Sa taguan ko baka ito’y makagipit
Marahan ko itong pinagpunit-punit
Isinama sa mga itinapong gamit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: