Parang Hangin – 2

Ang sabi ko noon ay para kang hangin,
sa buhay ko ay biglaan ang pagdating,
sa puso ko’y may pinukaw na damdamin,
at di napigilang kita ay mahalin!

Tuyong dahon kahalintulad nitong damdamin,
hinihipan mo’t dinadala kung saan naisin.
Minsan sa ulap doon mo tatangayin,
bibitawang bigla sa batuhan dudurugin.

Ilang beses na bang sa iyo’y hiniling,
hipan sa apoy mala-tuyong dahong damdamin,
hayaang lamunin ng init, hayaang abuhin,
at hipang palayo, huwag ng pabalikin.

Ilang beses na ring sa Diyos hiniling,
kung biglaa’t di inaasahan na parang hangin,
ang kahalintulad sa buhay ko ng iyong pagdating,
ganoon din ang gawin mong pagtalikod sa akin.

Ngunit paano ko itataboy ang hangin
na siyang nagbibigay hininga sa akin.
Masakit subalit kaylangang aminin,
kakambal ka’t bahagi ng buhay na angkin.

Kung kaya’t akin na lang hahayaan ,
mala-tuyong damdamin ko ay iyong iduyan,
kung saan mo nais doon mo hipan,
alipin ako’t hawak mo aking kapalaran

Buong puso nang aking tatanggapin,
pagmamahal mo nga’y parang hangin,
oo nga’t mahirap hawakan, mahirap hulihin,
subalit naroo’t hininga… buhay… ang bigay sa akin!

Pagmamahal mo man ay parang hangin,
pilit mang itanggi at ayaw aminin,
batid kong nandoon at kay sarap damhin,
kung ayaw ibunyag di kita pipilitin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: