Tuyong Dahon

carvin 9

Puso’y tuyong dahon sa sanga nalagas
Pabulusok itong sa lupa ay babagsak
Subalit hangin kang humihip ng malakas
Puso’y di hinayaang sa lupa sumayad

Sa patuloy mong hihip ako’y nagalak
Para akong ibong binigyan ng pakpak
Kumampay ako’t nagsimulang mangarap
Hinipan mo ako papuntang alapaap

Ngunit bigla rin na ako ay bumulusok
Animo’y laruang pababa mong hinigop
Dahon akong sa batuhan mo dinurog
Heto’t ang puso ay nagkalasog-lasog

Dahon ako na kawawa mong alipin
Nilaro-laro mo lang ang aking damdamin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: