Delilah

 

(Mula sa kantang “Delilah” ni Tom Jones)

how-to-deal-with-infidelity-500x350

Buhay ang ilaw mo nang ako’y dumaan
Bukas mong bintana’y  dagling  nilapitan
Umihip  ang hangin  kurtina’y  hinipan
Tagpong bumulaga  ako’y ginulantang

Magkaulayaw…  naroon sa karimlan
Sa sayaw at indayog ng kataksilan
At nang marating  rurok ng kaliluhan
Luha’y sinalubong…  inyong  kagalakan

Nanginig  ang tuhod palayong  humakbang
Impit mong tinig  ayaw akong tigilan
Katawang umindayog  sa kahalayan
Laman ng isip  laro ng kasalanan

Ako’y kumatok pintuan  mo’y binuksan
Ako’y pumasok s’ya nama’y nagpaalam
Nang kita’y tanungin  ako’y tinawanan
Ngunit tahimik  nang poot ko’y matikman

Saan nga ba Delilah  ako’y nagkulang
‘Di ba’t buhay ko sa iyo nakalaan
Nagtitiis  kahit iyong  sinasaktan
Ngunit ‘di tatanggapin  iyong pagtaksilan

 

%d bloggers like this: